Sweet stuff called love
22 June 11 | 11 notes | Posted: 7:28 PM | Permalink | Reblog this post
College.

Nakakapagod pero masaya. :D

Kasama ang mga blockmates at bagong kaibigan.

at syempre hindi mawawala ang bagong inspirasyon. <3 chos.

BS Architecture nga pala course namin (para sa mga hindi pa nakakaalam).

Medyo mahirap, siguro sanayan nalang at tiyaga ang kailangan.

Mababait naman yung mga prof. pero yung iba parang nakakatakot. :))

(Source: sweetstuffcalledlove)

1 June 11 | 50 notes | Posted: 8:13 PM | Permalink | Reblog this post
June.

June 13, 2011: First day of our College life.

Sa totoo lang, hindi ako tinatamad pumasok. Excited pa nga ako e. Kasi may bago akong makikilala, bagong classmates, bagong kaibigan, bagong guro, bagong mga gamit, at kung ano-ano pang bago na magiging bahagi ng buhay ko.

  • Ang sarap lang magkaroon ng mga bagong kaibigan, pero sana yung totoo at hindi yung peke at plastic lang. Pero tandaan, hindi dahil na may bago ka ng kaibigan, kakalimutan mo na yung mga dating kaibigan mo, ‘Keep in touch’ ka pa rin dapat sa kanila at huwag kalimutan ang isa’t isa.
  • Ang sarap lang sulatan yung mga bagong notebook. Pero sa totoo lang, pag sa kinatagalan, paunti na ng paunti ang mailalagay mo dun hanggang sa tinamad ka na. (ganyan ako e) =))
  • Bagong crush? :)) Ang sarap lang mag boy-hunting/girl-hunting. Nakamove-on na ako sa dati kong crush, syempre, dapat may kapalit. Sila ang magiging inspirasyon ko at sila ang magbibigay ng saya at kilig sa buhay ko.
  • Hindi maiiwasang magkaroon ka ng kaaway sa buhay natin, pero ako, wala pa akong nakakaaway, seryoso. Ewan ko lang, lalo na’t college na ako, baka may makaaway na ako. Pero kung magkakaroon man, hindi ko na sila papatulan, hahayaan ko nalang sila.
  • Bagong boyfriend/girlfriend? :)) Ang sarap lang maging single. :)) Ang tagal ko na ring walang bf, masarap nga kasi wala kang poproblemahin, kaso hindi naman masaya. haaays. Charot. Ayoko muna, tutok muna ako ngayon sa pag-aaral, lalo na’t college na ako at Architecture pa ang course ko, mahirap daw yun. oh well. ako na forever alone. /laslas
  •  Malapit na rin pala ang birthday ko. hahaha. June 17. :)) teng-ene. Manglilibre nanaman ako ng mga bago kong kaibigan. Butas nanaman ang bulsa ko. Saklap, may pasok kami nun. :)) Sa magkakaibigan, may nanlilibre, blowout, o nagbibigayan ng regalo. Yun ang masarap sa kaibigan. hahaha.
  • Bagong pagsubok at karanasan. Syempre, inaasahan ko na mahirap ang aking kurso. Desisyon ko ‘to, kaya dapat kong harapin kung ano man ang dumating.
  • Ang sabi nila, yung mga professor sa college, wala ng pakeelam sa kanyang mga estudyante. Halimbawa, hindi mo nagawa yung homework mo, kawalan mo yun, at hahayaan ka nalang nila, di tulad sa elementary o highschool, papagalitan ka pa. Ewan ko lang, sa pasukan ko malalaman.
  • Sana yung mga professor namin, hindi masyadong terror. Ayoko nang ganoon. Ayoko rin ng mga prof na may favoristism at laging nagkukumpara. Sana may prof kami na kwela at laging nagpapatawa para kahit papaano hindi maging boring ang klase.
  • Syempre, hindi mawawala ang mga ‘teacher’s pet’ O aka ‘SIPSIP’ sa teacher. Uso pa ba sa college yun? Sampalin ko pagmumukha nila e. loljk. Sana wala ng ganun, nakakairita eh. :)) Lalo na yung mga feeling matalino, nakakajirits.

(Source: sweetstuffcalledlove)

20 May 11 | 41 notes | Posted: 11:26 PM | Permalink | Reblog this post
“ano, magtitiisan nalang ba tayo?”

Base sa aking mga obserbasyon…

Kapag nagkakatampuhan ang mag-boyfriend, bakit yung iba kailangang tiisin nila na hindi kausapin ang isa’t isa, hindi sinasagot ang mga tawag o kaya yung mga text. Bakit kailangang gawin yung mga yun, pero ang totoo, hindi naman pala kaya at gustong gusto na siyang kausapin?

Natatawa lang ako at napapaisip sa ganoong sitwasyon. Pakipot pa pero bibigay din naman.

“Hindi ko na talaga siya kakausapin” sabi ng babae.

Nung tinatawagan na siya ng lalaki, hindi niya ito sinasagot…

Pero maya-maya’y sinagot din niya.

Hindi mo matiis no?

Nakakatawa lang, pero ganoon talaga pag mahal mo ang isang tao, pilitin mo mang lumayo sa kanya, babalik at babalik ka pa rin.

(Source: sweetstuffcalledlove)

20 May 11 | 164 notes | Posted: 12:30 PM | Permalink | Reblog this post
Sa isang relasyon…

(BF+GF)

Hindi maiiwasang magkatampuhan, mag-away o magkairingan dahil sa mga gusot na nangyari.

Ang kailangan niyo lang gawin, mag-usap kayo ng masinsinan at huwag idaan sa hiwalayan.

Kailangan niyo ng tiwala sa isa’t isa.

Pero paano nga ba makukuha yang “tiwala” na yan sa isa’t isa?

Syempre, kailangan mong maging ‘honest’ at ‘loyal’ sa kanya, dahil sa oras na niloko at nagsinungaling sa kanya, mawawalan na siya ng tiwala sa’yo at ang ‘patience’ nalang ang magpapatatag sa relasyon niyo.

Pasensya.

Lahat naman kasi tayo nagkakamali diba? Kaya kung mawala man ang tiwala mo sa kanya, dapat mo pa rin siyang patawarin at magkaroon ng mahabang pasensya. Pero minsan, umaabuso, kung umabuso man… Desisyon mo yun kung mapapatawad mo pa siya.

Ispasyo

Minsan, kailangan magpakalayo muna at hayaang ‘cool-off’ muna ang relasyon niyo. Makakatulong ito para tayo’y makapagisip-isip at para maliwanagan ang ating isipan. At dadating ang oras na malalaman mo ang mga kamalian.

Eh, kung mahal niyo naman talaga ang isa’t isa, bale wala yang mga hadlang at mga problema na dumadating sa inyo e. Kung mahal niyo talaga ang isa’t isa… Dapat talaga kayo gumawa ng paraan para magkaayos, at isipin niyong mas importante ang pagmamahal kaysa isipin ang mga walang kwentang bagay.

(Source: sweetstuffcalledlove)

19 May 11 | 78 notes | Posted: 9:14 PM | Permalink | Reblog this post
Rebound relationship

Madalas nangyayari pagkatapos ng break up.

Dinadaan nila sa ganyang sitwasyon ang sakit na naramdaman nila para mabawasan ang sakit kahit papaano.

Parang panakip-butas kumbaga.

Minsan, ito ay isang magandang paraan para madali kang makamove-on. Kung nagtagumpay kayo sa relasyon niyo, maaaring nakamove on ka na talaga at maaaring mahal mo na rin yung taong iyon.

Pero minsan din ay; mas mahihirapan ka at masasaktan ka pa lalo, lalo na kung hindi mo pa talaga kayang kalimutan yung taong iyon. Hindi lang ikaw ang masasaktan, ang totoo ay mas lalo mong masasaktan yung taong ni-rebound mo lalo na kapag nalaman niyang panakip-butas lang siya.

(Source: sweetstuffcalledlove)

9 May 11 | 415 notes | Posted: 2:25 PM | Permalink | Reblog this post
sa barkada merong…

Joker

-Sila yung masarap kasama. Sasakit tiyan mo sa  kakatawa dahil sa sense of humor nila. Nang dahil sa kanila, masaya ang barkada. Kahit seryoso ang usapan, isisingit niya yung pagpapatawa niya para maging masaya kahit papaano. Pero minsan, sila yung may malaking problema sa isang barkada, dinadaan nalang niya sa tawa o sa pagpapatawa ang kanilang lungkot para kahit papaano, hindi siya masyadong malungkot kapag kasama ang barkada.

KJ

-Ang mga kj o ‘Kill joy’, sila yung panira ng trip. Madalas wala sa lakad ng barkada dahil sa ayaw niya o pinagbabawalan ng mga magulang.

Pilosopo

-Palaging namimilosopo o nagiging ‘Sarcastic’ dahil idol nila si Vice ganda lol.

Minsan nakakabanas sila, pero minsan matatawa ka rin naman. Masarap din silang kasama (kapag iba yung pinipilosopo nila) pero pag ikaw ang trip niya, maaasar ka talaga.

Bully

-Mga mapang-asar. Nakakainis kapag trip na trip ka talaga niya. Pero wag kang mapipikon, pagpasensyahan mo nalang.

Drama Queen

-Iyakin, palaging may problema kaya umiiyak, laging trip ng mga Bully. 

Sensitive masyado.

MakaBF/MakaGF

-Palaging kasama ang syota, kaya ang syota belong na rin sa barkada. Minsan walang oras sa barkada dahil binubuhos niya ang oras niya sa kanyang syota.

Madalas rin silang mangiwan ng barkada dahil may lakad sila. Pero pag naghiwalay, iiyak siya at sa barkada pa rin ang bagsak niya.

Galante

-Pinakamayaman sa barkada. Palaging nanlilibre. Pwede mong malapitan kapag may problema ka sa pera, pero wag mong samantalahin ang pagiging mapagbigay niya. Dahil baka isipin niya na kabarkada niyo siya dahil lang sa pera niya.

“Libre niyo naman ako” Girl/Boy

-Gusto laging nililibre. Pinakakuripot sa barkada. Gustong gusto makasama sa lakad ng barkada, pero walang budget kaya minsan hindi siya nakakasama. Palaging nagpapalibre sa mga Galante.

(Source: sweetstuffcalledlove)

6 May 11 | 66 notes | Posted: 8:15 PM | Permalink | Reblog this post
‘Wag mong iwan ang taong MAHAL mo at lubos na nagmamahal sa’yo para sa taong GUSTO mo na hindi ka naman mahal…

dahil baka iwan ka lang ng taong GUSTO mo para sa taong MAHAL niya. 

Karma ang tawag diyan.

Naiinis ako sa mga taong hindi pa kuntento sa taong lubos na nagmamahal sa kanya at maghahanap pa ng iba.

Kung maghahanap ka pa ng iba, maaaring magsisi ka sa bandang huli.

Ikaw din ang mawawalan. Ikaw din ang manghihinayang. Ikaw din ang magmumukhang kawawa.

Bakit ka pa maghahanap ng iba kung mahal mo naman siya, at mahal ka naman niya? Nagsasawa ka na ba? kaya maghahanap ka ng panibago ngunit hindi mo naman talaga mahal?

Sa bandang huli mari-realize mo rin na “Ay, bakit ko siya pinakawalan?”, “Siya talaga ang para sa akin”, “Bakit pa kasi ako naghanap ng iba?”, “Ang tanga tanga ko talaga”.

bitter ako eh. -_-

(Source: sweetstuffcalledlove)

1 February 11 | 129 notes | Posted: 8:43 PM | Permalink | Reblog this post

Ayoko sa lahat yung,

pag nalaman ng isang lalaki na may crush sa kanya ang isang babae then liligawan niya kasi iniisip niyang sasagutin siya ng babae.

ano yun?

TAKING ADVANTAGE?

(Source: sweetstuffcalledlove)

15 January 11 | 91 notes | Posted: 6:23 PM | Permalink | Reblog this post
Napakahirap bang HUMINDI? kaya yung ibang tao, pinipili na lang MAGPAASA?

(Source: sweetstuffcalledlove)

21 October 10 | 20 notes | Posted: 7:00 PM | Permalink | Reblog this post
May mga tao talagang sadyang tahimik sa bahay pero sa labas, maingay magulo, meron din namang magulo at maingay sa bahay pero sa labas tahimik.

Tahimik sa bahay at magulo at maingay sa labas.

Siguro, ito ay dahil, mahigpit ang mga magulang nila at hindi nila magawa ang gusto nilang gawin sa kanilang bahay. Kaya ibinubuhos nila ang kanilang lungkot sa labas upang magkaroon sila ng kaunting saya sa kanilang sarili. Minsan din ay ayaw na nilang umuwi sa bahay at kadalasan ay sa kaibigan nalang sila nakikituloy.

Ang ganitong uri ng tao ay may tinatagong lungkot, akala mo masaya pero maraming problema.

May mga tao namang maingay sa kanilang bahay at tahimik sa labas.

Sila ang mga mahiyain at kadalasan ay pwede ding matawag na plastik.

Mahirap pakisamahan ang ganitong tao dahil minsan sila ay may mahinang pakikipagugnayan sa tao at may pagkamatatakutin sa tao.

Mahirap din malaman ang kanilang mga pag-uugali, kadalasan ay nakatago ito at pinagiingatan.

Madalas din magbago-bago ang ugali at kondisyon o “mood”.

Sila rin ang hindi mahilig makipagsocialized sa iba at kadalasan ay nakakulong lang lagi sa bahay.



About the Blogger


Oh hello there! :) I'm Sarah! I'm 17 yrs. old. My day is June 17. :D Architecture student from FEU. I love playing guitar, drawing, & listening to music. You can talk to me anytime, ask questions, or you can also ask me for some advice, :)





Home||RSS||Archive||Random
Message me||Submit
FAQS

Tags



Links
Twitter
Facebook
Formspring
ThreeWords.me
Instagram @zsairah

Find



Others



Read the Printed Word!

Credits
Tweaked and Redesigned by Sweetstuffcalledlove
Skin by Gabby with icon from Obsequious. Lots of inspiration from sundayaffair.




 Online Users