|
A little performance at FEU last IARFA Unites ‘12.
So ayun, kabado, di ako sanay kumanta sa harap ng maraming tao although nagsiuwian na rin yung iba nung oras na yun kasi gabi na at rush hour.
Pastorale, that’s our Org. name in our institute (IARFA) which consist of musicians such as singers, instrumentalists, composers, bands etc…
Share lang. :)
I like funny guys. <3
I just like them. They’ve always got my attention whenever they’re joking around and making someone laugh. It makes me fall for them more. :”> and I think I’m falling for that funny guy I know. :”> <3 (Source: sweetstuffcalledlove)
Hi guys. :) Kamusta na???
Namiss ko ang pagtatumblr at namiss ko din kayo. :) Tagal ko nang hindi nakakapagpost, almost 3 months.
Masyado kong dinamdam ang pagiging college student. :))) Mahirap e, pero masaya din naman.
Papakaactive ulit ako ngayon. :D
College.
Nakakapagod pero masaya. :D
Kasama ang mga blockmates at bagong kaibigan.
at syempre hindi mawawala ang bagong inspirasyon. <3 chos.
BS Architecture nga pala course namin (para sa mga hindi pa nakakaalam).
Medyo mahirap, siguro sanayan nalang at tiyaga ang kailangan.
Mababait naman yung mga prof. pero yung iba parang nakakatakot. :)) (Source: sweetstuffcalledlove)
June.
June 13, 2011: First day of our College life.
Sa totoo lang, hindi ako tinatamad pumasok. Excited pa nga ako e. Kasi may bago akong makikilala, bagong classmates, bagong kaibigan, bagong guro, bagong mga gamit, at kung ano-ano pang bago na magiging bahagi ng buhay ko.
- Ang sarap lang magkaroon ng mga bagong kaibigan, pero sana yung totoo at hindi yung peke at plastic lang. Pero tandaan, hindi dahil na may bago ka ng kaibigan, kakalimutan mo na yung mga dating kaibigan mo, ‘Keep in touch’ ka pa rin dapat sa kanila at huwag kalimutan ang isa’t isa.
- Ang sarap lang sulatan yung mga bagong notebook. Pero sa totoo lang, pag sa kinatagalan, paunti na ng paunti ang mailalagay mo dun hanggang sa tinamad ka na. (ganyan ako e) =))
- Bagong crush? :)) Ang sarap lang mag boy-hunting/girl-hunting. Nakamove-on na ako sa dati kong crush, syempre, dapat may kapalit. Sila ang magiging inspirasyon ko at sila ang magbibigay ng saya at kilig sa buhay ko.
- Hindi maiiwasang magkaroon ka ng kaaway sa buhay natin, pero ako, wala pa akong nakakaaway, seryoso. Ewan ko lang, lalo na’t college na ako, baka may makaaway na ako. Pero kung magkakaroon man, hindi ko na sila papatulan, hahayaan ko nalang sila.
- Bagong boyfriend/girlfriend? :)) Ang sarap lang maging single. :)) Ang tagal ko na ring walang bf, masarap nga kasi wala kang poproblemahin, kaso hindi naman masaya. haaays. Charot. Ayoko muna, tutok muna ako ngayon sa pag-aaral, lalo na’t college na ako at Architecture pa ang course ko, mahirap daw yun. oh well. ako na forever alone. /laslas
- Malapit na rin pala ang birthday ko. hahaha. June 17. :)) teng-ene. Manglilibre nanaman ako ng mga bago kong kaibigan. Butas nanaman ang bulsa ko. Saklap, may pasok kami nun. :)) Sa magkakaibigan, may nanlilibre, blowout, o nagbibigayan ng regalo. Yun ang masarap sa kaibigan. hahaha.
- Bagong pagsubok at karanasan. Syempre, inaasahan ko na mahirap ang aking kurso. Desisyon ko ‘to, kaya dapat kong harapin kung ano man ang dumating.
- Ang sabi nila, yung mga professor sa college, wala ng pakeelam sa kanyang mga estudyante. Halimbawa, hindi mo nagawa yung homework mo, kawalan mo yun, at hahayaan ka nalang nila, di tulad sa elementary o highschool, papagalitan ka pa. Ewan ko lang, sa pasukan ko malalaman.
- Sana yung mga professor namin, hindi masyadong terror. Ayoko nang ganoon. Ayoko rin ng mga prof na may favoristism at laging nagkukumpara. Sana may prof kami na kwela at laging nagpapatawa para kahit papaano hindi maging boring ang klase.
- Syempre, hindi mawawala ang mga ‘teacher’s pet’ O aka ‘SIPSIP’ sa teacher. Uso pa ba sa college yun? Sampalin ko pagmumukha nila e. loljk. Sana wala ng ganun, nakakairita eh. :)) Lalo na yung mga feeling matalino, nakakajirits.
(Source: sweetstuffcalledlove)
Rebound relationship
Madalas nangyayari pagkatapos ng break up.
Dinadaan nila sa ganyang sitwasyon ang sakit na naramdaman nila para mabawasan ang sakit kahit papaano.
Parang panakip-butas kumbaga.
Minsan, ito ay isang magandang paraan para madali kang makamove-on. Kung nagtagumpay kayo sa relasyon niyo, maaaring nakamove on ka na talaga at maaaring mahal mo na rin yung taong iyon.
Pero minsan din ay; mas mahihirapan ka at masasaktan ka pa lalo, lalo na kung hindi mo pa talaga kayang kalimutan yung taong iyon. Hindi lang ikaw ang masasaktan, ang totoo ay mas lalo mong masasaktan yung taong ni-rebound mo lalo na kapag nalaman niyang panakip-butas lang siya. (Source: sweetstuffcalledlove)
‘Wag mong iwan ang taong MAHAL mo at lubos na nagmamahal sa’yo para sa taong GUSTO mo na hindi ka naman mahal…
dahil baka iwan ka lang ng taong GUSTO mo para sa taong MAHAL niya.
Karma ang tawag diyan.
Naiinis ako sa mga taong hindi pa kuntento sa taong lubos na nagmamahal sa kanya at maghahanap pa ng iba.
Kung maghahanap ka pa ng iba, maaaring magsisi ka sa bandang huli.
Ikaw din ang mawawalan. Ikaw din ang manghihinayang. Ikaw din ang magmumukhang kawawa.
Bakit ka pa maghahanap ng iba kung mahal mo naman siya, at mahal ka naman niya? Nagsasawa ka na ba? kaya maghahanap ka ng panibago ngunit hindi mo naman talaga mahal?
Sa bandang huli mari-realize mo rin na “Ay, bakit ko siya pinakawalan?”, “Siya talaga ang para sa akin”, “Bakit pa kasi ako naghanap ng iba?”, “Ang tanga tanga ko talaga”.
bitter ako eh. -_- (Source: sweetstuffcalledlove)
“Bad hair day.”
It isn’t literally about having a bad condition of a hair, but it pertains about having a bad feeling with one’s personality like having lack of self-esteem or lack of self-confidence. This expression is commonly used by girls.
A girl may feel ugly, stressed, haggard, frumpish or such a hideous face.
I seldom have this kind of feeling when I’m not in my mood or having my period.
I feel so irritated and stressed.
But there’s a relativity that when something good happened, like someone I like, talks to me, everything’s go back to normal, and the good part is “I’m not so having a bad hair day anymore”. (Source: sweetstuffcalledlove)
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Next
|