|
College.
Nakakapagod pero masaya. :D
Kasama ang mga blockmates at bagong kaibigan.
at syempre hindi mawawala ang bagong inspirasyon. <3 chos.
BS Architecture nga pala course namin (para sa mga hindi pa nakakaalam).
Medyo mahirap, siguro sanayan nalang at tiyaga ang kailangan.
Mababait naman yung mga prof. pero yung iba parang nakakatakot. :)) (Source: sweetstuffcalledlove)
“ano, magtitiisan nalang ba tayo?”
Base sa aking mga obserbasyon…
Kapag nagkakatampuhan ang mag-boyfriend, bakit yung iba kailangang tiisin nila na hindi kausapin ang isa’t isa, hindi sinasagot ang mga tawag o kaya yung mga text. Bakit kailangang gawin yung mga yun, pero ang totoo, hindi naman pala kaya at gustong gusto na siyang kausapin?
Natatawa lang ako at napapaisip sa ganoong sitwasyon. Pakipot pa pero bibigay din naman.
“Hindi ko na talaga siya kakausapin” sabi ng babae.
Nung tinatawagan na siya ng lalaki, hindi niya ito sinasagot…
Pero maya-maya’y sinagot din niya.
Hindi mo matiis no?
Nakakatawa lang, pero ganoon talaga pag mahal mo ang isang tao, pilitin mo mang lumayo sa kanya, babalik at babalik ka pa rin. (Source: sweetstuffcalledlove)
Sa isang relasyon…
(BF+GF)
Hindi maiiwasang magkatampuhan, mag-away o magkairingan dahil sa mga gusot na nangyari.
Ang kailangan niyo lang gawin, mag-usap kayo ng masinsinan at huwag idaan sa hiwalayan.
Kailangan niyo ng tiwala sa isa’t isa.
Pero paano nga ba makukuha yang “tiwala” na yan sa isa’t isa?
Syempre, kailangan mong maging ‘honest’ at ‘loyal’ sa kanya, dahil sa oras na niloko at nagsinungaling sa kanya, mawawalan na siya ng tiwala sa’yo at ang ‘patience’ nalang ang magpapatatag sa relasyon niyo.
Pasensya.
Lahat naman kasi tayo nagkakamali diba? Kaya kung mawala man ang tiwala mo sa kanya, dapat mo pa rin siyang patawarin at magkaroon ng mahabang pasensya. Pero minsan, umaabuso, kung umabuso man… Desisyon mo yun kung mapapatawad mo pa siya.
Ispasyo
Minsan, kailangan magpakalayo muna at hayaang ‘cool-off’ muna ang relasyon niyo. Makakatulong ito para tayo’y makapagisip-isip at para maliwanagan ang ating isipan. At dadating ang oras na malalaman mo ang mga kamalian.
Eh, kung mahal niyo naman talaga ang isa’t isa, bale wala yang mga hadlang at mga problema na dumadating sa inyo e. Kung mahal niyo talaga ang isa’t isa… Dapat talaga kayo gumawa ng paraan para magkaayos, at isipin niyong mas importante ang pagmamahal kaysa isipin ang mga walang kwentang bagay. (Source: sweetstuffcalledlove)
Rebound relationship
Madalas nangyayari pagkatapos ng break up.
Dinadaan nila sa ganyang sitwasyon ang sakit na naramdaman nila para mabawasan ang sakit kahit papaano.
Parang panakip-butas kumbaga.
Minsan, ito ay isang magandang paraan para madali kang makamove-on. Kung nagtagumpay kayo sa relasyon niyo, maaaring nakamove on ka na talaga at maaaring mahal mo na rin yung taong iyon.
Pero minsan din ay; mas mahihirapan ka at masasaktan ka pa lalo, lalo na kung hindi mo pa talaga kayang kalimutan yung taong iyon. Hindi lang ikaw ang masasaktan, ang totoo ay mas lalo mong masasaktan yung taong ni-rebound mo lalo na kapag nalaman niyang panakip-butas lang siya. (Source: sweetstuffcalledlove)
Does Internet affects your Social life?
Before, like 3 years ago, we don’t have an internet access (my life before was like stone age or something) loljk
I have a lot of friends, I used to hang out with them, but now, it makes me feel like I’m a jerk. I miss them.
Everytime we meet, we just nod our heads and smile. I feel awkwardness.
I used to have a great social skills and a good charisma. But now…
I’m just a boring teenager with a blog.
It’s just so annoying that I keep trying my best to have control, but I always find myself revolving my life around internet.
I feel lonely upon seeing my friends hanging out together, while I’m sitting infront of my computer exploring the world of internet. lol but it’s okay. tumblr is always there for me. haha.
This may lead to SAD or Social anxiety disorder
This is an anxiety disorder characterized by intense fear in social situations causing considerable distress and impaired ability to function in at least some parts of daily life.
Some people I talk online are considered my friends, I’ve come to have concern and to care about them, and treat them like a real friend. But I don’t really trust them that much. I can’t trust internet. There are trolls everywhere. lol
sa barkada merong…
Joker
-Sila yung masarap kasama. Sasakit tiyan mo sa kakatawa dahil sa sense of humor nila. Nang dahil sa kanila, masaya ang barkada. Kahit seryoso ang usapan, isisingit niya yung pagpapatawa niya para maging masaya kahit papaano. Pero minsan, sila yung may malaking problema sa isang barkada, dinadaan nalang niya sa tawa o sa pagpapatawa ang kanilang lungkot para kahit papaano, hindi siya masyadong malungkot kapag kasama ang barkada.
KJ
-Ang mga kj o ‘Kill joy’, sila yung panira ng trip. Madalas wala sa lakad ng barkada dahil sa ayaw niya o pinagbabawalan ng mga magulang.
Pilosopo
-Palaging namimilosopo o nagiging ‘Sarcastic’ dahil idol nila si Vice ganda lol.
Minsan nakakabanas sila, pero minsan matatawa ka rin naman. Masarap din silang kasama (kapag iba yung pinipilosopo nila) pero pag ikaw ang trip niya, maaasar ka talaga.
Bully
-Mga mapang-asar. Nakakainis kapag trip na trip ka talaga niya. Pero wag kang mapipikon, pagpasensyahan mo nalang.
Drama Queen
-Iyakin, palaging may problema kaya umiiyak, laging trip ng mga Bully.
Sensitive masyado.
MakaBF/MakaGF
-Palaging kasama ang syota, kaya ang syota belong na rin sa barkada. Minsan walang oras sa barkada dahil binubuhos niya ang oras niya sa kanyang syota.
Madalas rin silang mangiwan ng barkada dahil may lakad sila. Pero pag naghiwalay, iiyak siya at sa barkada pa rin ang bagsak niya.
Galante
-Pinakamayaman sa barkada. Palaging nanlilibre. Pwede mong malapitan kapag may problema ka sa pera, pero wag mong samantalahin ang pagiging mapagbigay niya. Dahil baka isipin niya na kabarkada niyo siya dahil lang sa pera niya.
“Libre niyo naman ako” Girl/Boy
-Gusto laging nililibre. Pinakakuripot sa barkada. Gustong gusto makasama sa lakad ng barkada, pero walang budget kaya minsan hindi siya nakakasama. Palaging nagpapalibre sa mga Galante. (Source: sweetstuffcalledlove)
‘Wag mong iwan ang taong MAHAL mo at lubos na nagmamahal sa’yo para sa taong GUSTO mo na hindi ka naman mahal…
dahil baka iwan ka lang ng taong GUSTO mo para sa taong MAHAL niya.
Karma ang tawag diyan.
Naiinis ako sa mga taong hindi pa kuntento sa taong lubos na nagmamahal sa kanya at maghahanap pa ng iba.
Kung maghahanap ka pa ng iba, maaaring magsisi ka sa bandang huli.
Ikaw din ang mawawalan. Ikaw din ang manghihinayang. Ikaw din ang magmumukhang kawawa.
Bakit ka pa maghahanap ng iba kung mahal mo naman siya, at mahal ka naman niya? Nagsasawa ka na ba? kaya maghahanap ka ng panibago ngunit hindi mo naman talaga mahal?
Sa bandang huli mari-realize mo rin na “Ay, bakit ko siya pinakawalan?”, “Siya talaga ang para sa akin”, “Bakit pa kasi ako naghanap ng iba?”, “Ang tanga tanga ko talaga”.
bitter ako eh. -_- (Source: sweetstuffcalledlove)
Kung gusto mo talaga siyang tuluyan ng mawala sa isip mo…
humanap ka ng iba,
humanap ka ng taong mamahalin mo talaga at hindi yung pang panakip butas mo lang.
Ganyan ang ugali ko, madali lang ako makamove-on, pero minsan, madali ring bumalik yung feelings ko sa isang tao.
Pag nakahanap na ako ng bago, makakalimutan ko na yung dati, naniniwala kasi ako sa kasabihang “Past is past.” (Source: sweetstuffcalledlove)
Life is like an earphone.
It gets tangled when you put it inside your bag or pocket.
Compare it to life, it gets messy when you put it on the dark side.
But still, you can still fix the tangled earphone, but you must be aware or you might broke the wire and it will never be fixed anymore. :)
just like life, you can still fix everything, and always be careful of getting things right and be aware of who is involved in that situation or you might damage or hurt them.
May mga tao talagang sadyang tahimik sa bahay pero sa labas, maingay magulo, meron din namang magulo at maingay sa bahay pero sa labas tahimik.
Tahimik sa bahay at magulo at maingay sa labas.
Siguro, ito ay dahil, mahigpit ang mga magulang nila at hindi nila magawa ang gusto nilang gawin sa kanilang bahay. Kaya ibinubuhos nila ang kanilang lungkot sa labas upang magkaroon sila ng kaunting saya sa kanilang sarili. Minsan din ay ayaw na nilang umuwi sa bahay at kadalasan ay sa kaibigan nalang sila nakikituloy.
Ang ganitong uri ng tao ay may tinatagong lungkot, akala mo masaya pero maraming problema.
May mga tao namang maingay sa kanilang bahay at tahimik sa labas.
Sila ang mga mahiyain at kadalasan ay pwede ding matawag na plastik.
Mahirap pakisamahan ang ganitong tao dahil minsan sila ay may mahinang pakikipagugnayan sa tao at may pagkamatatakutin sa tao.
Mahirap din malaman ang kanilang mga pag-uugali, kadalasan ay nakatago ito at pinagiingatan.
Madalas din magbago-bago ang ugali at kondisyon o “mood”.
Sila rin ang hindi mahilig makipagsocialized sa iba at kadalasan ay nakakulong lang lagi sa bahay.
Why do some people afraid of telling his/her feelings to a person?
Is it because they are afraid of rejection?
So what if he’ll reject you?
What if he/she likes you too?
Unexpress feelings can break their hearts too.
We are not perfect, we can accept trials, and show our fears and weaknesses, if we can do that, we can accept rejection, we can’t please people to like you, if that’s their choice, we must accept the fact that we have no chance for them.
I hate it when I feel dizzy then my friends say… “you’re pregnant! what number of months na?” blahblah. whatever. :))
they are over acting. :D lol.
Bakit ang mga kulot gusto magpastraight, tapos ang mga straight gusto magpakulot?
:)) LOL.
kalbo nalang kaya. joke. :D
Maganda nga sa isang tao ang pagiging pranka kesa sa plastik. Pero dapat nasa lugar, kasi minsan, dahil sa pagiging pranka mo, nakakasakit ka na ng damdamin ng tao.
Kaya ingat lang sa pananalita. Kung may sasabihin ka, dapat maayos at siguraduhin mong hindi siya masasaktan. :)
Ang buhay ay parang pera.
May mababa at may mataas.
Pero kahit mababa man o mataas yan, may halaga parin yan.
Kailangang ingatan dahil ito ay isang kayamanan.
Subukan niyong lukutin o tapakan ang perang papel, kahit anong gawin niyo ay may halaga parin ito, at hindi parin magbabago, pero pag ito ay pinunit, masisira ito ngunit mabubuo parin pag ito ay pinagtuunan ng atensyon, at pag binuo niyo muli, ngunit nandoon parin ang bakas ng pagkasira nito.
Parang buhay, kahit na may mga problema kang natatamo, buhay parin ito at may halaga parin, kahit na masira man, maaayos mo uli ito kapag may tiwala ka.
:D
1
2
Next
|