Nasa tamang paraan at panahon ang pagmumura.
Aminin, lahat tayo nagmumura, hindi yan
May mga mura na tulad ng (pasensya na po kung babanggitin ko)
“Putangina mo”, “tarantado”, “leche” “stupido”, “gago” at marami pang iba…
Ang mga salitang yan ay hindi naman masyadong masama, kasama yan sa tradisyon natin. Kung didibdibin natin ang mga salitang yan, maaari tayong malungkot o masaktan, pero pag binaliwala mo, parang wala lang sa’yo. Ang pagmumura ay dapat nasa tamang panahon, kung gusto nating magmura dapat sa pabirong paraan para hindi tayo makasakit ng damdamin ng tao. Minsan nauuwi din yan sa away, at maaaring magkasakitan kayo, hindi lang sa emosyon, kundi pati narin sa pisikal.
Ang pinakamasamang mura daw ay ang “Ulol” dahil ayan ay nakasaad sa bibliya ng mga katoliko.



