“ano, magtitiisan nalang ba tayo?”
Base sa aking mga obserbasyon…
Kapag nagkakatampuhan ang mag-boyfriend, bakit yung iba kailangang tiisin nila na hindi kausapin ang isa’t isa, hindi sinasagot ang mga tawag o kaya yung mga text. Bakit kailangang gawin yung mga yun, pero ang totoo, hindi naman pala kaya at gustong gusto na siyang kausapin?
Natatawa lang ako at napapaisip sa ganoong sitwasyon. Pakipot pa pero bibigay din naman.
“Hindi ko na talaga siya kakausapin” sabi ng babae.
Nung tinatawagan na siya ng lalaki, hindi niya ito sinasagot…
Pero maya-maya’y sinagot din niya.
Hindi mo matiis no?
Nakakatawa lang, pero ganoon talaga pag mahal mo ang isang tao, pilitin mo mang lumayo sa kanya, babalik at babalik ka pa rin.
(Source: sweetstuffcalledlove)



