
Mga favorite apps ko. :D
Yung iba diyan pampalipas oras, pag walang magawa tsaka pag bored.
Guitar Pro & Ultimate Guitar (Tabs)
-Yan yung palagi kong ginagamit, malaking tulong din sakin yan sa paggigitara lol.
JumiOne
-Wireless remote yan para sa computer, pwedeng gamiting computer mouse, remote control para sa iTunes, at camera.
Madalas kong gamitin yan pag malakas trip ko. :)) Pag nagcocomputer yung kapatid ko, ginagalaw ko yung cursor lol. Di niya alam na ako yung nagpapagalaw.
aNote
-Magandang app din yan, pwede mo maging planner, diary, schedules, to take down notes, or para sa To-Do list mo.
at syempre hindi mawawala ang Tumblr app
-Pag tinatamad ako magcomputer sa laptop ko, at kapag nangangalay na ako, diyan nalang muna ako nagpopost at nagbabasa basa ng mga post niyo. Mas comportable kaso maliit nga lang, iba pa rin talaga pag sa computer talaga.
Ang mga latest favorite games ko naman:
Angry Birds (Rio), Smurfs, Tiny Wings, Plants vs. Zombies & Zombie Cafe.
Yung iba, pinagsawaan ko na. Lalo na ang the Sims. :P
Sa umpisa lang maganda, pero pag nagtagal na nakakaantok.



