Sa totoo lang, hindi ako tinatamad pumasok. Excited pa nga ako e. Kasi may bago akong makikilala, bagong classmates, bagong kaibigan, bagong guro, bagong mga gamit, at kung ano-ano pang bago na magiging bahagi ng buhay ko.
Ang sarap lang magkaroon ng mga bagong kaibigan, pero sana yung totoo at hindi yung peke at plastic lang. Pero tandaan, hindi dahil na may bago ka ng kaibigan, kakalimutan mo na yung mga dating kaibigan mo, ‘Keep in touch’ ka pa rin dapat sa kanila at huwag kalimutan ang isa’t isa.
Ang sarap lang sulatan yung mga bagong notebook. Pero sa totoo lang, pag sa kinatagalan, paunti na ng paunti ang mailalagay mo dun hanggang sa tinamad ka na. (ganyan ako e) =))
Bagong crush? :)) Ang sarap lang mag boy-hunting/girl-hunting. Nakamove-on na ako sa dati kong crush, syempre, dapat may kapalit. Sila ang magiging inspirasyon ko at sila ang magbibigay ng saya at kilig sa buhay ko.
Hindi maiiwasang magkaroon ka ng kaaway sa buhay natin, pero ako, wala pa akong nakakaaway, seryoso. Ewan ko lang, lalo na’t college na ako, baka may makaaway na ako. Pero kung magkakaroon man, hindi ko na sila papatulan, hahayaan ko nalang sila.
Bagong boyfriend/girlfriend? :)) Ang sarap lang maging single. :)) Ang tagal ko na ring walang bf, masarap nga kasi wala kang poproblemahin, kaso hindi naman masaya. haaays. Charot. Ayoko muna, tutok muna ako ngayon sa pag-aaral, lalo na’t college na ako at Architecture pa ang course ko, mahirap daw yun. oh well. ako na forever alone. /laslas
Malapit na rin pala ang birthday ko. hahaha. June 17. :)) teng-ene. Manglilibre nanaman ako ng mga bago kong kaibigan. Butas nanaman ang bulsa ko. Saklap, may pasok kami nun. :)) Sa magkakaibigan, may nanlilibre, blowout, o nagbibigayan ng regalo. Yun ang masarap sa kaibigan. hahaha.
Bagong pagsubok at karanasan. Syempre, inaasahan ko na mahirap ang aking kurso. Desisyon ko ‘to, kaya dapat kong harapin kung ano man ang dumating.
Ang sabi nila, yung mga professor sa college, wala ng pakeelam sa kanyang mga estudyante. Halimbawa, hindi mo nagawa yung homework mo, kawalan mo yun, at hahayaan ka nalang nila, di tulad sa elementary o highschool, papagalitan ka pa. Ewan ko lang, sa pasukan ko malalaman.
Sana yung mga professor namin, hindi masyadong terror. Ayoko nang ganoon. Ayoko rin ng mga prof na may favoristism at laging nagkukumpara. Sana may prof kami na kwela at laging nagpapatawa para kahit papaano hindi maging boring ang klase.
Syempre, hindi mawawala ang mga ‘teacher’s pet’ O aka ‘SIPSIP’ sa teacher. Uso pa ba sa college yun? Sampalin ko pagmumukha nila e. loljk. Sana wala ng ganun, nakakairita eh. :)) Lalo na yung mga feeling matalino, nakakajirits.
Oh hello there! :)
I'm Sarah! I'm 17 yrs. old. My day is June 17. :D
Architecture student from FEU.
I love playing guitar, drawing,
& listening to music.
You can talk to me anytime, ask questions, or you can also ask me for some advice,
:)